Mechanics

Alituntunin at Gabay sa Pamimili

Sino ang maaaring sumali?

Ang nominasyon ay bukas sa lahat ng babae at samahang nagnanais lumahok sa mga sumusunod na kategorya:

  • Medalyang Ginto
    • Natatanging Babae
    • Natatanging Samahang Pangkababaihan
  • Kategoryang Sektoral
    • Natatanging Babae
    • Natatanging Samahang Pangkababaihan
    • Natatanging Babae
    • Natatanging Samahang Pangkababaihan
    • Natatanging Babae

Ang mga nagwagi na sa kategoryang sektoral ay hindi na maaaring ilahok sa parehong kategorya ng mga susunod na parangal, subalit maaari silang lumahok sa iba pang kategoryang sektoral o Medalyang Ginto. Ang nagwagi na sa kategoryang Medalyang Ginto, indibiduwal man o samahan, ay hindi na maaaring lumahok sa kategoryang sektoral.

Ang nominado ay kailangang suportado o napagkasunduang ilahok ng isang samahang pangkababaihan, o ng paaralan para sa Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno.

Dahil sa pagkakaroon ng access sa maraming resources, ang mga kasalukuyang halal na opisyal o mga may mataas na katungkulan sa pamahalaan ay hindi hinihikayat na lumahok. Maaari silang maging nominado tatlong (3) taon pagkatapos ng paninilbihan sa pamahalaan.


Saan at kailan maaaring isumite ang pangalan ng nominado?

Maaaring ibigay ang pangalan, kumpletong tirahan, contact number at kategoryang sasalihan ng nominado sa

09225134998 (Sun) / 09562782624 (Globe)

pkkbulacan@yahoo.com.ph

habang wala pa itong requirements na kailangang maisumite sa tanggapan sa itinakdang panahon upang maging lehitimong kalahok.

Bukas ang nominasyon hanggang 5:00 ng hapon ng Disyembre 14, 2018.


Kailan isusumite ang kumpletong dokumentasyon?

Ang bawat kalahok ay kinakailangang magsumite ng hindi hihigit sa limang minutong VIDEO BIOGRAPHY batay sa mga tanong na nakasaad sa nomination form.

Ang huling araw ng pagsusumite ng video biography ay sa Disyembre 21, 2018 (Biyernes) 5:00 ng hapon sa tanggapan ng PKKB.


Araw ng parangal

Marso 11, 2019 | 2:00 ng hapon, The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center, Lungsod ng Malolos, Bulacan


Ang magwawagi ay makatatanggap ng mga sumusunod:

  • MEDALYANG GINTO:
    • Natatanging Babae
      • Woman Statuette (Trophy)
      • Medalyang Ginto
      • P20,000.00
    • Natatanging Samahang Pangkababaihan
      • Woman Statuette (Trophy)
      • Medalyang Ginto
      • P30,000.00
  • SECTORAL AWARDS:
    • Matagumpay na KPK
      • Woman Bust (Trophy)
      • P20,000.00
    • Individual Categories
      • Woman Bust (Trophy)
      • P10,000.00