Mechanics

Alituntunin at Gabay sa Paglahok

MGA KATEGORYA

  • Medalyang Ginto
    • Natatanging Babae
    • Natatanging Samahang Pangkababaihan
  • Kategoryang Sektoral
    • Matagumpay na Babaeng Mangangalakal
    • Matagumpay na Babaeng Makakalikasan
    • Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno
    • Matagumpay na Ginang ng OFW
    • Matagumpay na Babaeng Social Media Influencer
    • Matagumpay na Konsehong Pambayan/Panlungsod para sa Kababaihan (KPK)

SINO ANG MAAARING SUMALI

  • Para sa indibiduwal na kategorya, ang nominado ay Bulakenya batay sa alin man sa mga sumusunod na katangian, at ang tagatanggap ng kaniyang mga gawain ay taga-Bulacan:
    • Siya ay ipinanganak sa Bulacan;
    • Alin man sa kaniyang mga magulang ay taga-Bulacan;
    • Siya ay 5 taon pataas ng naninirahan sa Bulacan; at
    • Siya ay nakapag-asawa ng taga-Bulacan at naninirahan sa Bulacan.
  • Para sa Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno, maaaring sumali ang mga Kabataang may edad na 15-25 years old.
  • Para sa kategoryang pangsamahan, ang samahang pangkababaihan ay nakabase sa Bulacan at ang mga tagatanggap ng programa ng samahan ay taga-Bulacan.
  • Ang nominasyon ay bukas sa lahat ng nabanggit sa itaas maliban sa mga sumusunod:
    • Kasalukuyang halal na opisyal, maging ang kanilang kamag-anak sa unang lebel (asawa, anak, at magulang);
    • Mga may mataas na katungkulan sa pamahalaan; at
    • Sinumang may kaugnayan sa serbisyo ng pamahalaan (nasyunal hanggang barangay) at sa mga gawaing political (kawani ng pamahalaan, consultants, brgy. volunteers).

Ang mga nabanggit ay maaari lumahok makalipas ang tatlong (3) taon pagkatapos ng kanilang paninilbihan sa pamahalaan.


MAAARI BANG SUMALING MULI ANG DATING KALAHOK

  • Ang mga nominado na hindi pa nagwagi ay maaari ulit lumahok sa pareho o iba pang kategorya.
  • Ang mga nagwagi sa sectoral na kategoryang pang-indibiduwal ay hindi na maaaring ilahok sa parehong kategorya na kaniyang pinagwagian, subalit maaari pa rin silang lumahok sa iba pang kategoryang sectoral o sa Medalyang Ginto.
  • Ang mga nagwaging samahang pangkababaihan, kabilang ang Konsehong Pambayan/Panlungsod para sa Kababaihan (KPK), ay maaaring lumahok muli pagkalipas ng tatlong (3) taon mula sa kanilang pagkapanalo.
  • Ang mga nagwagi bilang Natatanging Babae ay hindi na maaaring lumahok sa ano mang kategorya dahil nakamit na nila ang pinakamataas na parangal.

PARAAN NG PAGSALI

  • Ang nominado sa ano mang kategorya ay kailangang suportado o napagkasunduang ilahok ng isang samahang pangkababaihan, o ng paaralan para sa Huwarang Kabataang Babae sa Pamumuno.
  • Ibigay ang mga sumusunod na paunang detalye: pangalan, kumpletong tirahan, contact number at kategoryang sasalihan ng nominado, sa 0961 806 1237 (Smart) / 0916 234 8154 (Globe) / E-mail address na pkkbulacan@gmail.com hanggang 5:00 ng hapon ng Disyembre 13, 2024.
  • Sagutan ang Nomination Form batay sa kategoryang sasalihan. Maaaring makakuha ng Nomination Form sa PKKB Facebook Account, Tanggapan ng PKKB, Konsehong Pambayan/Panlungsod para sa Kababaihan (KPK), at sa City/Municipal Social Welfare and Development Office.
  • Maglakip ng Brgy. Clearance o sertipikasyon mula sa kinaaanibang simbahan na nagpapatunay ng magandang katayuan sa komunidad.
  • Gumawa ng  5 MINS. VIDEO BIOGRAPHY batay sa mga tanong na nakasaad sa nomination form bilang patunay ng inyong mga sagot (pagpapakilala ng sarili, photo slide ng certificates at awards, documentation ng mga gawain, atbp.).
  • Isumite ang Nomination Form at Video Biography sa Tanggapan ng PKKB, Asuncion G. Romulo Women and Family Center, Provincial Capitol Compound, Lungsod ng Malolos, Bulacan bago o hanggang Enero 6, 2025.

TALATAKDAAN NG GAWAIN

Disyembre 13, 2024
(5:00 ng hapon)
Huling araw ng pagsusumite ng pangalan, kumpletong tirahan, contact number at kategoryang sasalihan ng nominado na maaaring i-text, i-chat o itawag sa Tanggapan ng PKKB
Enero 6, 2025
(5:00 ng hapon)
Huling araw ng pagsusumite ng Nomination Form, Video Biography, at Brgy. Clearance sa Tanggapan ng PKKB
Enero 9-31, 2025Table Screening
Pebrero 3-7, 2025Field Validation
Pebrero 10-28, 2025Pagproseso at paghahanda sa parangal
Marso 10, 2025Araw ng parangal