header

Sharing of GAD Best Practices of PGB- Gender Responsive Project Proposal and GAD Monitoring Evaluation Team Assistance (Part 1: March 9, 2023)

March 10, 2023

Ang Gender and Development ay isang programa na kung saan pinapahalagahan ang pantay na karapatan ng isang babae at isang lalaki. Ang layunin nito ay mapaunlad at mapalakas ang kapasidad at kakayahan para sa pagtukoy ng isyu sa kasarian sa lahat ng aspeto ng buhay sa lipunan at makapag gender mainstream ng policies, programs and projects na ipatutupad sa lahat ng antas.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ay nagbigay ng technical assistance sa Pangunguna ni Bb. Analiza S. Ileto ang Chairperson ng GAD Focal Point System Technical Working Group sa Pamahalaang Bayan ng Hagonoy na ginanap noong ika-9 ng Marso 2023 na kung saan ito ay dinaluhan ng ibat ibang tanggapan sa nasabing bayan bilang paghahanda sa kanilang gagawing GAD Plan and Budget.